<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3049130206709579458?origin\x3dhttp://testingsasaki.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Monday, December 31, 2007,3:15 PM
Blog layout testing

This site is only for the use of Reiko Sasaki's layout experiment.

0 Comments






Kailangan ko pa ba ng mahabang "Thank You" speech? Wag na, baka maiyak pa ako dito. Gayon pa man, kahit magulo ang isip ko ngayon ng dahil sa nakapangingilabot na pangyayari, syempre kailangan ko paring magpasalamat sa lahat ng mga bumoto saakin at sa mga nag-gagandahan at nag-gwagwapuhang tagahatol ng 2008 Teen Blog Awards ng Candymag.com. Simple lang naman, kung wala kayo, wala din ako. Pasensyahan na kung nag-uumpisa na akong maging drama dito, kakagising ko lang kasi nitong umaga at papikit pikit ko pang nalaman na ako ang nakakuha ng titolo ng Funniest Blog 2008. Buti nalang gumana ang pag-batok saakin ng kapatid ko at nagising na ako sa katotohanan. Salamat ulit mula sa dulo ng aking puso at paa.

PS. Sa nakakuha ng laptop, pwedeng saakin nalang yun?

* EBIDENSYA, EBIDENSYA, EBIDENSYA!



Isinalang alang ang RESPETO sa loob at sa labas nitong pahinang ito. Lahat ng mga nakasulat dito ay galing lahat saaking opinion, karanasan at mga pagtingin.

Simpleng Patakaran: Bawal ang spamming, txt lingo, bashing at mga MANGONGOPYA. Ang patakaran ng aking C-box ay nakatala rin sa ibaba.

Binabalaan na kita ngayon pa lang. Kung isa kang HANGAL, hindi ka nababagay dito.



Siya ay pinanganak sa balat ng Pilipinas noong ika-labing siyam ng Nobyembre sa taong 1988. Binanyagan sakanyang unang pangalan na "Kathleen" Sa kanyang panghuling pangalan na "Pengson" At sa kanyang palayaw na Ket Ket. Hindi nalang niya alam kung bakit naging Ket Ket ang palayaw niya dahil napakalayo sa tinig ng unang pangalan. Kasalanan ito ng mga magulang niya dahil hanggang ngayon, walang nararapat na sagot sa mga tanong na ito.

Naging matiwasay naman ang kanyang pagpasok sa unang baitang sa eskwelahan ng Maranatha Christian School, Caloocan City. Hindi nalang natin alam kung nasaan na ang eskwelahan na yan. Kung buhay pa o hindi.

Naging malaki ang utang na loob niya sakanyang mga guro dahil dito siya natutong maging madasalin sa diyos, maging responsableng anak, maging masunurin, maging mabait, mag-walis sa sahig, mag-punas ng bintana, mag-bura ng chalk sa blackboard, gumawa ng gawaing pansanay ng iba, mag-kambyo ng tricycle, mag-suksok ng tissue sa ilong, at mang-sabunot sa kanyang kapwang uhugin na mga kaklase.

Habang patuloy ang kanyang pagkilala sa mundo, hindi natin maiiwasan na magkaron siya ng mga paborito mga bagay. Mapa-tao, kanta, hayop, libangan at kung ano ano pa. Noon pa man, noong batang paslit pa lamang siya, naging tigahanga siya ng kanta ni Donna Cruz na 'Kapag tumibok ang puso." Maniwala ka man o hindi, memoryado na memoryado niya ang dance steps nito. Ito ang kanyang naging theme song noong pinapag-aralan pa niyang kilalanin ang kanyang buong sarili.

Nalibang rin siya sa laro na Ghostbusters. Kasama ang kanyang mga kapatid at pinsan, ito ang naging palipas ng oras nila pag wala silang makutkot na pagkain sa loob ng kanilang refrigirator. Dahil Maria Biskwit, Milo, Ding Dong, Ovaltine, Choki-Choki, Jelly Ace, Chocknut o kung ano ano pang mga hindi malulusog na pagkain lang ang pinapakain sakanila ng mga magulang nila mula almusal hangga't mag-hapunan. Ng dahil dito, naging paborito rin niya ang mga nabanggit kong mga pagkain.

Nasubaybayan ko ang kanyang pag-laki. Hanggang makapunta siya sa ekwelahan ni Maria, o ang istablishimento ng St. Mary's College Quezon City. Dito siya nagpatuloy bilang mabait na estudyante. Mula Preparatory, Grade School hangga't High School, dito niya natamo ang iba't ibang mga impluwensya na naging tulong sa pag-abotkung anong klaseng tao na siya ngayon. Hanggang lumipat na siya sa ibang bansa, ito parin ay nanatili sakanyang puso't isipan.

Pinakilala sa kanya ng isang kaibigan ang kanyang naging paboritong boyband na itatago nalang natin sa pangalang NSYNC.Isama na rin natin ang kanyang naging idol na si Britney Spears, ang paglalaro ng kakiligan sa FLAMES, at kabaliwan sa PANTS, Ang mga kaartehan ng Fushigi Yuugi, sa Linkin' Park, at kung sino pang mga Americanong artist na ngayon ay gasgas na. At ang kanyang tinuring na kaibigan, kasama sa buhay at naging gabay sa buhay. Ang kanyang kasakasamang manikang oso'ng kulay puti na ngayong ay nasa San Miguel o kaya nawawala na. Si Push Pie.

Naging paborito niya ang Harry Potter at Lord of the Rings, kahit nag-fe-feeling na nabasa na niya lahat ng mga 'yon, pero hindi naman totoo dahil pinanood lang niya lahat ng mga series nito. Naging insiparation niya sina Daniel Radcliffe at Orlando Bloom sa dalawang pelikulang 'yan kaya niya sinubaybayan ng dahil lang sa mga ka-gwapuhan nila.

Na-impluwensyahan din siya ng kanyang panganay na kapatid na mahilig sa mga Anime. Feeling adik pero hindi naman talaga. Nakiki-jive sa mga Anime at pinipilit na magustuhan para mapabilang siya sa mga "nerd" section kahit hindi naman kailangan.

Musika. Isang malaking parte sa buhay niya. Nahilig pala siya sa mga banyagang tugtugin ng mga Koreano, Hapon at Instik, bukod sa ating OPM Music. Ang mga artist na katulad ni/nila:

Bamboo, Dong Bang Shin Ki, Big Bang, Se7en, L'Arc-en-Ciel, Mario, Radio Active Sago Project, BoA, Chris Brown, 6Cyclemind, Byul, Frankie J, Kang Ta & Vanness, Utada Hikaru, Southborder, G-Soul, Bi (Rain), Freesytle, Tamaki Nami, Hale, Amadori, FLOW, Rivermaya, TiA, Cueshe, Maaya Sakamoto, Toshiro Masuda, Parokya Ni Edgar, Fergie, Black Eyed Peas, MC Mong, Jang Nara, Eraserheads, 5566, MYMP, Fly to the Sky, Moon Hee Jun, Noel, Rythem, Orange Range, Kiss, Ayumi Hamasaki, Vanness, Clazziquai, Epik High, Tita Kitch!, Loveholic, Kyla, Nina, Christian Bautista, Super Junior, Koda Kumi, Ate Jolengs!, Jewelry, HowL & J, Jay-R, Orange & Lemons, Top Suzara, 1TYM, Shamrock, at Sugarfree.

Syempre, hindi rin niya papalampasin na manood ng mga Kdramas, Jdoramas, Tdramas, at kung ano ano pang may letra sa umpisa ng drama. Kahit anong drama pwede niyang mapanood basta wag lang yung nilalangaw na sa ka-boringan.

Nahilig din siyang mag-Photoshop at mag-edit ng kung ano anong pwedeng i-edit. Isa na sa mga libangan niya ay gumawa ng mga kung ano ano ka-weirduhan sa Photoshop, katulad nitong hibang na layout na ginawa niya. Ginagawa lang niya ito pag wala siyang magawa pag pumatak ang oras na napatunganga lang siya sa harapan ng pader.

Hindi niya maiiwasang magka-crush sa iba't ibang gwapong lalakeng Koreano, Hapon, at Chinito na hindi ko nalang babanggitin dahil baka maubos ang page sa sobrang haba ng listahan. Pero ang pagkakaalam ko, nangongolekta siya ng mga litrato ng mga Asian papa boys na hindi siya kilala sakanyang file folder. Nagagalit na nga ang tatay niya dahil napupuno na daw ang drive D. Lalong lalo na ngayon dahil tinadtad niya ng pictures ang folder niya ng mga NAKAHUBAD na Xiah Junsu at Anthony Padilla.

Ang natatangi at paboritong gawin niya at gumawa ng mga storya. Storya kung saan ang mga pangarap at ang kanyang imahinasyon ay umiikot. Ngunit kahit man manunulat siya, at pinipilit niyang ibahin, at mas lalong palaguin ang mga Nobela niya, inaamag at konti lamang ang mga pumapansin sa mga yon. Ito ang sanhi ng kanyang pagka- Desperadong Nobelista.

ANO HILO KA NA?





December 2007
January 2008


Ang mga gawa ng Desperadong Nobelista. Payo ko lang sainyo na basahin niyo ang kanyang pinakabagong storya na nagngangalang The Legend of the Blue Cookie kung saka-sakaling wala kayong magawa diyan sa kinauupuan ninyo.







Bago makipag-link ex saakin, siguraduhin mong ACTIVE ang blog mo at sasabihin mo agad saakin kung napalitan mo na yung title o yung link para mapalitan ko agad ang nakalista dito. Hindi po ako nag-li-link ng kung sino sinong tao lang at sinisiguro ko na kaibigan o kilala ko yung taong yon.

Awi - Xanga site
April - She, Her
Apple - Love the Apple
Apple - Sweet as Apple
Amaine - Her Cradle
Anj - Lost in my own reverie
Angielen - The Lost Pensieve
Angelique - Suicidekizz
Aya - Fly like you' never flown before
Biena - Lights Camera Action
Carlita - Fade Away
Charity - The Decent Obsessionist
Chad - Driving Shotgun, With Hair Undone.
Cheska - Ang Talakerang Teenager
Dan - Life Adventure of Dansoy
Dana - Deynahdana
Dakardict - Friendsterblog
Earvin - Carrot Prince
Neym - Princess in Hiding
Nia - Nia's metropolis
Maj - Just another summer day
Makis - Princess Ciella Haven
Martin - Martin's Memoirs
Meg - I struggle for survival
Mi-Ann - Unsaturated Curiosity
Mishi - I Decide
Milrose - My Mental Asylum
Ten - Hesitate
Tepai - Sweetened Choco
Tina - Tinanyanya
Ishy - Paru-parung bukid
Rain - Dreamer's Santuary
Jamie - Tsunamie's World
Jan-Jan - Ka' weirduhan ko
Jonah - Science Box of Nice Things
Joesyl - The Freedom Wall
Jet-Jet - Server Busy-Busyhan
Joella - Lack of Inspiration
Jimel - I <3 Kulay
Jhana - STFU, dude
Kaakaams -KAAKAAMS
Kimmie - And then it hit me
Korina - I'm marvelous
Lea - Beautiful memories
Leigh - Duh Princess Love
Lissie - Sindurella
Lissy - The other side of me
Lexi - Hello world, Goodbye world
Saishin- My Iskrats Peyper
Gellie - Nankurunaisa
Gazell - Disguise
Gracie - Reflections
Grace - The Best of me
Xyla - Nursecissism
YenChan - Lumiere
Zhel - The world according to me

Kung ang mensahe mo ay tungkol sa isang tala (entry) na sinulat ko, siguraduhin mong doon ka sumagot sa comment box katabi ng asul na lapis sa ibaba ng bawat posts. Ang gamit ng C-Box na ito ay para lamang sa mga nagmamadali, magpapa-link exchange o kaya't napaadaan lang para mag-iwan ng maikling pahatid sa Desperadong Nobelista. Sumunod sa patakaran, mga kaibigan.

Salamat sainyong cooperasyon.




Host: Blogspot
Font: Dafont
Brushes & Stuffs: Blue Vertigo
Images: Shabby , Pixelgirl
Image Hosting: Photobucket
Shoutbox: Cbox
Counter: Hit Counters
Creator: Adobe CS2 & Adobe Imageready Layout & Design: Reiko Sasaki





Ang Desperadong Nobelista (c) 5-11-08. Copyright in all works subject of this site belongs to Reiko Sasaki.

Site best viewed in IE or Mozilla Firefox in 1024x768 resolution. Layout Version #4.

hit counter
Online Readers