<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3049130206709579458?origin\x3dhttps://testingsasaki.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Monday, December 31, 2007,11:07 PM
Bad Luck's Chapter 23

Nagtaka nalang sila Boa, Micky, Jae Joong and Hyo sa sinabi ni Changmin na bawal paalam. Mukang makakaamoy pa sila nang bagong flash news.

"Ha?" pagtaka ni Hyo.

Agad binatukan ni Jin si Changmin. "Aray!" sabi ni Changmin.

"Wag niyo nga pansinin tong lalake na to, nag-lasing kasi yan eh. Nag-inuman kasi kami." sabi ni Jin sabay tawa.

"Nag-inuman kayo? bakit hindi niyo kami sinama?" sabi ni Micky. "Tsaka ang aga naman ng inuman niyo."

"OO nga, bakit niyo kami hindi sinama?" tanong ni Jae Joong.

"Eh, ewan ko. Hoy! pictorial niyo na ba? nasan na yung mga damit niyo? tara, aayusan ko na kayong tatlo dali." sabi ni Jin sabay punta doon sa mga damit na nakasampay.

Hindi nagtagal, nandon na rin sila Xiah at Yunho. Nandon narin sila Hyung and other staffs. Kaya back to work nanaman sila. Yung dalawang tsismoso, seryoso pa ang pag-tingin nila kayla Jin at Changmin. Inaabangan na nga nila yung chapter 2 na yun. Pero wala namang nangyari. Kaya malas nila. Mga 1 hour pa bago sila matapos. Kaya umalis ulit doon ang DBSK sa may big pool at near the trees naman sila mag-papa-picture. Kaya nandon sila sa may kagubatan naman. Ang eksena kasi ngayon ay parang pang-outback jack yung mga suot nila kaya near the trees. Habang yung iba, naiwan nanaman sa pool. Naiwan nanaman yung tatlong maria.

"Pagtapos non meron pang isa diba?" tanong ni Boa.

"OO, pero don't worry, last one na yon." sabi ni Jin habang sinasampay niya yung damit sa may sampayan.

"Alam niyo ba? ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pictorials?" sabi ni Boa.

"Bakit naman?" tanong ni Hyo.

"Kasi ang tagal eh. Tsaka nakakainip." sabi ni Boa.

"Ow...pero maganda naman yung mga results ng mga pictures mo eh, ang ganda mo nga sa mga pictures mo eh." sabi ni Jin.

"Maganda ba? para nga akong lalong tumatanda. Natatakot akong maging matanda. 20 na kasi ako eh." sabi ni Boa. "Kayo ba? nakalimutan ko kayung tanungin kung ano na yung age niyo."


"18 kaming pareho." sabi ni Hyo.

"18? naman, ang bata niyo pa, ka-age niyo pala si Changmin.." sabi ni Boa. "Edi ate niyo ako. At kuya niyo sila Jae Joong."

Age notice. Sila Micky, Yunho, Xiah, Jae Joong and Boa, age 20. Habang sila Jin, Changmin, Hyo ang Yeo-Sun, 18.

"OO nga no. Ate Boa pala dapat ang itawag sayo." sabi ni Jin sabay tawa.

"Ay, wag na ngang ate Boa, mas lalo akong tumatanda, ayoko. Isipin niyo nalang ka-age ko rin kayo okey?" sabi ni Boa.

"Okey." sabi nilang dalawa.

"Si ate Violet nasan na siya?" tanong ni Jin. "Diba kasama mo siya? bakit biglang nawala?"

"Kasama siya ni Rhee. Mag-kaibigan kasi yung dalawang yun eh, di mo niyo ba alam?" sabi ni Boa.

"Hindi." sabi ni Hyo.

"Basta, long story." sabi ni Boa. "Kailangan mo ba ng tulong diyan Jin? ano bang susunod na susuot nila? baka gusto mo ng tulog?"

"Ay, wag na, trabaho ko to. pag nakita pa kayo ni Hyung na tumutulong kayo baka ma-fired nanaman ako." sabi ni Jin.

"Hindi no. Mabait naman si Hyung eh, hindi ka non papatalsikin sa trabaho mo no, grabe ka naman ata." sabi ni Boa.

"Ehh....osige na nga, tulungan niyo nalang akong i-devide na tong mga susuotin nila for the last part." sabi ni Jin.

"Okey, san ba dito yung mga susuotin nila?" sabi ni Hyo.

Tinulungan na nga nilang dalawa si Jin na ayusin na yung mga last na susuotin ng DBSK. Inayos na nila at dinivide na agad yung mga damit. Para pagdating nila, ready na nilang isuot agad.

"Oh My God Shundo, Im so very tired right now." sabi ni Hyde.

"You're tired already? Well, Im not. C'mon let's go there!" sabi ni Shundo.

"Where?" pagtaka ni Hyde.

"Do you see that boat?" turo ni Shundo. "How about, let's try jetboating what do you think?"

"After scubadiving, windsurfing, swimming and rockclimbing, and now we will do jetboating? are trying to kill me Shundo? Im tired already." sabi ni Hyde.

"You're so killjoy." sabi ni Shundo. "If you don't want to come with me, then don't! Im so mad at you Hyde."

Sabay naglakad si Shundo palayo sakanya.

"Wait! Shundo!" sabi ni Hyde.

"Now what?" sabi ni Shundo.

"Im going with you now, so, don't be mad at me." sabi ni Hyde. "I'll try my best to join you."

"Okey, sure now come on!" sabi ni Shundo sabay hatak niya kay Hyde papunta doon sa may boat.

Actually, kanina pa nga sila nag-eenjoy sa resort na yon kaya ganon na si Hyde, pagod na pagod na. Ang payat kasi eh, kulang sa nutrition. Pero pag kasama niya si Shundo, mas lalo siyang lumalakas kasi lagi siyang pinipilit. Si Shundo pa, eh macho yon.

"Last shot nalang DBSK!" sigaw ng photographer.

"Pano yung last shot?" tanong ni Yunho.

"Dito kayo mag-pose sa may maliit na truck na to oh." sabi nung isang staff.

"Diyan? ang ganda naman niyan. Pwede bang sakyan?" tanong ni Xiah.

"Mamaya na ano ka ba?" sabi nung isang staff.

"Okey, last post dito and, individual posing ulit ang gagawin." sabi nung photographer.

Nag-group posing na nga sila doon. After non, individual nga muna. Dalawa lang ang available na photographers kaya isa isa muna sila. Si Micky at si Jae Joong muna yung nauna. Kaya yung tatlo, nandon lang at tinitignan nila yung dalawa mag-posing posing everywhere.

"Sinong susunod?" tanong ni Changmin.

Naalala nila Xiah at Yunho yung Koreanovelang live na nakita nila kanina. Kaya napatingin nalang sila kay Changmin.


"Hoy! sabi ko sino ang susunod?" tanong ulit ni Changmin.

"Ha? ikaw nalang gusto mo?" sabi ni Yunho.

"Okey." sabi ni Changmin sabay harap ulit kila Micky.

"Changmin, may tanong ako sayo." sabi ni Xiah. "Ahh....kasi, nagtataka lang ako, kay Jin eh."

"Kay Jin? oh ano naman sakanya?" pagtaka ni Changmin.

"Wala lang!" sabi ni Xiah sabay tawa.

Nagtawanan nalang sila Yunho at Xiah na parang mga baliw na nakawala sa mental hospital. Si Changmin naman, nag-tataka nalang sakanilang dalawa. Kanina pa kasi siya tinitignan nung dalawang yon. Nandon parin sila Boa, Jin and Hyo sa may big pool. Tapos na nilang gawin kaya naka-upo nalang sila doon.

"Hala, baka kung ano na ang nangyari kay Yeo-Sun sa taas." sabi ni Hyo.

"OO nga pala no." sabi ni Jin. "Tignan mo nga don Hyo, baka nag-bigti na yon."

"Ha? bakit siya magpapakamatay?" pagtaka ni Boa.

"Si Jin nalang mag-kwe-kwento sayo. Sige, punta muna ako doon sa hotel, baka kung ano na ang mangyari sakanya." sabi ni Hyo.

Umalis agad si Hyo doon at pumunta na sa hotel para tignan kung ano na ang lagay ni Yeo-Sun sa kwarto nila.

"Ano bang problema ni Yeo-Sun? nakita ko kasi silang dalawa na nag-away ni Changmin, tapos, umiyak siya. Sa harap pa namin. Pati rin ikaw? kanina? bakit ka bigla nalang nag-walk out kanina sa resturant? at di na bumalik pa?" tanong ni Boa.

"Eh, problemang mababaw lang yun eh." sabi ni Jin. "Baka pagtawanan mo lang Boa pag kini-wento ko sayo."

"Bakit ko naman pagtatawanan? sige na, kwento mo na, please?" sabi ni Boa. "Nako, pati ako nadadamay sa problema niyo. Okey lang ba kung tanungin kita ng personal?"

"Ha? eh..." sabi ni Jin. "Okey lang Boa. Friends naman tayo diba?"

"OO naman." sabi ni Boa. "Teka lang nga, ano kasi eh...back from the past, pano mo pala nalaman yung cell number ko?"


"Ha? cell number mo? kasi...ah...kay Shundo eh. Hiningi ko sakanya." sabi ni Jin. "Ah....Boa, close ba kayo ni Shundo?"

"Si Shundo? ah...OO naman." sabi ni Boa. May naalala si Boa at bigla nalang siyang nataw ng mahinhin doon.

"Bakit ka natatawa?" pagtaka ni Jin.

"Ha? wala!" sabi ni Boa. "Okey, kwento mo na pala sakin yung problema niyo. Dali."

Nag-umpisa na si Jin ng kanyang story telling kay Boa. Kwi-nento niya lahat ng detalye tungkol sa problema nila. Pero hindi niya siniwalat ang katotohanang na-reveal kanina ni Changmin sakanya.

Pinuntahan na nga ni Hyo si Yeo-Sun doon sa hotel. Pagpunta niya doon sa may corridor papunta sa pintuan nila, kinakabahan siya kasi baka abutan niyang si Yeo-Sun na nakaratay na sa sahig at walang ng buhay.

"B..bakit nakabukas yung pinto?" pagtaka ni Hyo.

Malayo palang, nakita na niyang naka-open wide yung pintuan. Kaya, kinakabahan na siya. Pero, wala na siyang magagawa kaya nag-lakad nalang siya papunta doon. Nag-mistulang horror house yung hotel. Kasi sa sobrang kaba ni Hyo. Malapit na siya sa pinto. Pag silip niya….

"AHHHHHH!!!" sigaw ni Hyo ng malakas.

Sobrang gulo na ng kanilang kwarto. As in sobrang gulo. Nakatapon na everywhere yung mga gamit nilang dalawa ni Jin. May basag pang vase doon. Kaya agad siyang pumasok. At nakita si Yeo-Sun na nakahiga sa higaan ni Jin. Nakatulala si Yeo-Sun at nakanga-nga pa. Parang na-exorsist yung itsura.

"OMG." bulong ni Hyo sabay takip sa bibig niya.

Biglang umupo si Yeo-Sun at sobrang gulo na ng buhok niya. As in sobrang gulo at namamaga na rin yung mata niya sa kaka-iyak. Bangag na yung itsura niya at parang mamamatay tao na yung itsura. Kaya si Hyo, na-froze nalang sa harapan niya.

"Anong ginawa mo dito?" tanong ni Yeo-Sun.

"Ah...eh..ano eh.." sabi ni Hyo.

"Kuha mo ko ng makakain. nagugutom na ko." sabi ni Yeo-Sun sabay higa ulit.

Natatakot na si Hyo sa itsura niya. Kaya, susundin nalang niya sa Yeo-Sun.

"Ah..anong gusto mong pagkain?" tanong ni Hyo.
"Kahit ano." sabi ni Yeo-Sun. "Pagkain, kahit ano."

"Ah..osige...okey..." sabi ni Hyo.

Dahang dahan umalis si Hyo doon at sinara na niya yung pinto. Tumakbo pa siya palayo sa kwarto nila baka kasi patayin pa siya ni Yeo-Sun.

"Oh, ayan na yung mga damit niyo." sabi ni Boa.

"Bakit ikaw Boa? bakit hindi si Jin?" tanong ni Xiah.

"Tinutulungan ko lang siya, wala akong magawa eh." sabi ni Boa. "Micky! yung hat mo!"

"Siya lang may hat?" sabi ni Xiah.

"OO ako lang." sabi ni Micky.

"Bakit ba ikaw nalang lagi may suot ng mga hat na yan ha?" tanong ni Xiah.

"Mahilig kasi si Boa sa hats eh, kaya, ako rin." sabi ni Micky.

"Gaya gaya to sakin eh." sabi ni Boa habang inaayos niya yung t-shirt ni Micky.

Habang sila Jin sa kabilang dulo ng pool...

"Ito lang susuotin ko?" gulat ni Changmin. "Bakit manipis na long sleeves lang to? at butas pa. Makikita yung buong katawan ko niyan."

"OO, yan lang. Pakita mo yang katawan mo." sabi ni Jin.

"Eh ayoko." sabi ni Changmin sabay bigay niya kay Jin.

"Susuotin mo yan o ano?" tanong ni Jin. "Sabi mo sakin may abs ka, ayan, suotin mo yan para makita na yung katawan mong kungyaring macho. Malaki ka naman Changmin no, okey na yan, para makita ng mga fans mo na daring ka na at hindi ka na totoy katulad dati. Para matured na yung itsura mo."

"Weee?" sabi ni Changmin.

"Wee ka diyan, suotin mo yan para malaglag yung mga panga ng mga fans mo." sabi ni Jin sabay tawa. "Para sumigaw sila ng...ay! si Changmin ang macho pala! shiet!" sabay tawa nanaman.

"Ayoko Jin, I dress appropriately." sabi ni Changmin. "Ayoko niyan."
Ayan nanaman si Jin na-aasar nanaman sakanya. Mukang sisigawan nanaman niya si Changmin kasi hindi nanaman siya sinusunod ng kanyang model. Habang nag-re-ready sila, bilang may pumunta na sakanila.

"Ako nalang magsusuot niyan gusto mo?" tanong ni Jae Joong. "Sayo nalang tong sandong butas butas."

"Osige ba." sabi ni Changmin sabay bigay niya kay Jae Joong ng damit niya.

"Ano ba kayo?!" sabi ni Jin. "Sino bang masusunod dito? bawal magpalit."

"Jin, ayoko tong sando na butas butas eh. Palit nalang kami ni Changmin." sabi ni Jae Joong. "Please? mas trip ko yang damit ni Changmin."

"Please mo mukha mo." sabi ni Jin. "Oh yan! suotin mo na yan Changmin. Anong tinitingin tingin niyo diyan? hala! suotin niyo na yang mga pinapasuot ko."

"(Sigh) akin na nga." sabi ni Changmim.

"Ayan, dapat ako lang ang masusunod dito." sabi ni Jin sabay tawa.

"Masusunod..tss..walang kwenta." bulong ni Jae Joong.

"Ano? ano yung binubulong bulong mo diyan ha?" sabi ni Jin. "Baka gusto mong mamatay ng maaga eh."

"Galit ka nanaman? lagi naman eh." sabi ni Jae Joong. "Kelan ba kitang makakusap ng matino? tuwing kakausapin kita galit ka lagi."

"Wala ka ng magagawa Jae Joong, ganyan talaga ang laging merong...alam mo na." sabi ni Changmin sabay tawa.

"OO nga, meron ka yata lagi eh." sabi ni Jae Joong. "Baka kailangan mo na ng pampers para hindi agad mapuno."

Sabay pa silang nagtawanan si Changmin, kaya si Jin, what do you expect?

"Supot! mga bwiset!" sabi ni Jin sabay alis doon sa harap nila.

"Supot?" pagtaka ni Jae Joong.

"Di mo alam yung supot? hindi pa na-tuli ang ibig sabihin non." sabi ni Changmin sabay tawa.

"Ako supot? hindi ah." sabi ni Jae Joong. "Baka ikaw."

"Hindi ah." sabi ni Changmin "Si Jin yung supot eh." sabay tawa ulit.
Umalis muna si Jin sa may big pool at naglakad muna sa may resort. Buti nalang, nahanap na siya agad ni Hyo.

"Hyo, bakit ganyan itsura mo? wag mong sabihin.." sabi ni Jin. "Patay na si Yeo-Sun! OMG! no! OMG!"

"Hindi ano ka ba! hindi pa siya patay...nakakatakot yung itsura niya Jin, hindi mo lang ma-imagine...parang siya na saniban ng demonyo at mukha siyang mamamatay tao. Ganun ang itsura niya ngayon." sabi ni Hyo.

"Parang na-exorsist ganon?" pagtaka ni Jin.

"OO, parang ganon na nga. Hindi lang yon Jin!" sabi ni Hyo.

"Ano pa?!" gulat ni Jin.

"Nakakainis siya, sobrang gulo na ng kwarto natin don, yung mga gamit natin nakasabog all over the place. Yung vase pa nga na nakalagay sa table nabasag rin." sabi ni Hyo.

Masyado na yata si Yeo-Sun at ginawa pa niya yung bagay na yon. Hindi na siya matiis ni Jin at talagang magagalit na si Jin sakanya. For a small reason lang naman ang problema niya kay Changmin. Ang babaw ni Yeo-Sun. Naasar na ngayon si Jin sakanya.

"Nakaka-asar na yung babaeng yun ha." sabi ni Jin. "Tara na nga! puntahan na natin yun!"

"Wait Jin!" sabi ni Hyo at pinigilan niya si Jin maglakad.

"Ano?" sabi ni Jin.

"Natatakot ako baka patayin tayo ni Yeo-Sun noh. Ayoko pang mamatay ng maaga." sabi ni Hyo. "Buti nalang nakaalis pa ko dun."

"Bakit ka naman niya papatayin eh ako lang yung kalaban niya." sabi ni Jin. "Kalaban ko na siya Hyo. Naiinis na ko sakanya. Ang simple lang naman non eh. Hyo, alam ko na kung bakit siya umiiyak, nasigawan daw siya ni Changmin kaya ganon."

"Talaga? sinabi ni Changmin sayo kanina? kaya ka lumayas sa resturant kanina?" sabi ni Hyo.

"Ah...OO. Sinabi nga niya sakin." sabi ni Jin.

"Ano ng gagawin natin kay Yeo-Sun? masyado naman siyang nag-emote sa nangyari eh hindi naman talaga sila ni Changmin no, ang arte naman ni Yeo-Sun." sabi ni Hyo.

"Kaya nga eh." sabi ni Jin. "Bakit ba patay na patay siya dun sa lalakeng yon? hay nako, tara na nga, puntahan na natin siya sa taas."

"(Sigh) wait lang, nagpapakuha pala siya ng pagkain saakin. Daan muna tayo sa resturant bago tayo pumunta sa hotel, inutos niya kasi yun eh. Baka pag hindi ko gawin, tuluyan na niya akong patayin." sabi ni Hyo.

"Wag na, Hyo tara na, bakit ka naman papatayin ni Yeo-Sun eh hindi naman ma-ma-matay tao yon? tara na nga." sabi ni Jin.

Pinuntahan na nga nila si Yeo-Sun sa hotel. Habang ang DBSK, pictorial parin ang iniintindi. This time, sa beach naman sila. Doon ang last pictorial nila. As Hyung said, kailangan ng sunset background para lalong mas maganda.

Nasa hotel na sila Hyo at Jin. Pagpunta nila doon sa may corridor papunta sa room nila, nakita ulit ni Hyo na naka-bukas nanaman yung pintuan.

"Hala, bakit nakabukas nanaman yan?" pagtaka ni Hyo.

"Bakit?" pagtaka ni Jin.

"Kasi kanina, nakabukas rin yan." sabi ni Hyo. "Sinara ko yan bago ako umalis. Nakakatakot na yung mga kilos ni Yeo-Sun..hala...mamaya.."

Iba na ang ihip ng hangin sa corridor na yon at sobrang tahimik na. Ang tanging ilaw nalang na nakikita nila Hyo at Jin ay yung ilaw na nanggagaling sa kwarto nila. Kasi nga naka-open wide yung pinto. Mahina lang yung ilaw sa corridor at color yellow pa yung kulay ng ilaw, tapos, mag-gagabi pa, kaya hindi nagbibigay ng ilaw yung araw, imbis na ilaw, dilim yung binibigay ng bintana. Kaya, horror house na talaga yung itsura. Kaya yung dalawa, na-froze doon sa corridor.

"Hyo....parang....parang ayoko na...." sabi ni Jin at nanginginig na yung boses niya.

"H..ha?...kala ko ba?...ako rin Jin...parang ayoko na nga." sabi ni Hyo.

"A...ayoko na rin Hyo..." sabi ni Jin.

"OO, ako rin...ayoko na rin." sabi ni Hyo sabay tawa ng mahinhin.

Pareho silang hindi maka-move sa isang spot na yon, at nakatingin parin sila pintuan na nakabukas. Kabado na kabado na talaga sila kaya hindi na sila makagalaw. Pareho pa naman silang matatakutin. Kaya, naghawakan nalang sila ng kamay ng mahigpit. Si Hyo, naka-hawak sa braso ni Jin, habang si Jin, nakahawak na rin sa braso ni Hyo.

"Ah....anong ginigawa pa natin dito?" tanong ni Jin.

"Eh...ewan ko...eh...parang hindi na ko makagalaw..." sabi ni Hyo.

"Ako rin eh...parang nag-stock ako dito Hyo..." sabi ni Jin sabay tawa rin ng mahinhin.
Mas lalong dumidilim at tumatahimik ang buong lugar. Nang bigla nalang may kumalabog galing sa kwarto nila kaya sumobrang bilis na ng tibok ng puso nilang dalawa sa kaba. Biglang may kumalabog ulit, at may shadow na silang nakita at mukang palabas na ng pintuan.

"AHHHHHHHHHH!!!!" sigaw nilang dalawa at agad silang tumakbo papunta sa elevator.

Sa sobrang bilis nilang tumakbo, nandon sila agad sa may elevator. From there, natatanaw parin nila yung kwarto, kaya kabado parin sila.

"Dali! bumukas ka! dali! ano ba!! ahhhh!!" sigaw ni Hyo sa elevator habang pinipindot niya yung buttom.

"Ang tagal! baka lumabas na dali!! OMG!" sabi ni Jin sa likod niya. "OMG! Hyo! dali! palabas na siya!!"

"Wag na nga tayo dito! OMG! sa hagdan nalang tayo dali!!!" sabi ni Hyo sabay hatak niya si Jin sa may hagdan.

Tumakbo parin sila papunta sa may hagdan at doon na nga sila bumaba. Nasa 13th floor sila. Kaya malayo pa ang lalakbayin nila.

Bumababa parin sila sa hagdan na yon. Walang ibang tao kungdi sila lang. Kaya takot na takot parin yung dalawa habang bumababa. After 15 minutes, buti nalang nandon na sila sa may lobby. Agad binuksan ni Jin yung pintuan palabas ng hagdan na yon, finally, nandon na rin sila sa may lobby. Pagod na pagod. at hingal na hingal pa talaga sila. Kaya umupo nalang sila sa may upuan doon.

"Ayoko nang pumunta don.." sabi ni Jin.

"Ayoko na rin Jin, wag na tayong pumunta don." sabi ni Hyo.

"Jin, Hyo!" sigaw ni Jae Joong sa malayo.

"Sino yon? multo nanaman?" pagtaka ni Jin.

"Hindi multo Jin, si kuya Jae Joong yon." sabi ni Hyo.

Nakatingin lang sila kay Jae Joong at exosted na yung itsura nilang dalawa. Lumapit na si Jae Joong.

"Okey lang ba kayo?" tanong ni Jae Joong."Bakit ganyan yung mukha niyong dalawa?"

"May multo...may multo sa kwarto namin.." sabi ni Hyo.

"Anong multo?" pagtaka ni Jae Joong. "Kakain kami ng dinner, gusto niyo sumama?"

Hindi sumagot yung dalawa at takot na takot parin sila sa na-experience nila kanina.

"Hello? kakain na kami ng dinner gusto niyong sumama?" tanong ulit ni Jae Joong. "Baka nag-iintay na yung iba doon sa may resturant, dali na."

Wa-epek parin at nakatunganga parin sila doon.

"Bahala na nga kayo, sige, una na ako." sabi ni Jae Joong at naglakad na siyang paalis.

"Sandali lang!" sabi ni Jin. "Wait! ka lang diyan!"

"Ha?" pagtaka ni Jae Joong.

"Magdala ka ng pamalo dali." sabi ni Jin. "Kumuha ka ng pamalo Jae Joong dali."

"Anong pamalo?" pagtaka ni Jae Joong. "Sinong papaluin?"

"Ayun! pamalo!" sabi ni Hyo sabay tayo at kinuha niya yung isang bamboo stick na naka-display doon sa may mga plants. "Oh, pamalo."

"Yan, Oppa, hawakan mo." sabi ni Jin sabay kuha niya ng bamboo stick.

"Ha? anong? ha?" pagtaka ni Jae Joong.

"Hahawakan mo ba to oh ano?" sabi ni Jin. "Dali! hawakan mo ikaw ang mag-hawak niyan dali."

Inabot naman ni Jin yung bamboo stick, at kinuha naman ni Jae Joong habang nagtataka parin kung ano yung pinapagawa nilang dalawa sakanya.

"Ngayong may pamalo ka na, samahan mo kami sa kwarto namin dali." sabi ni Jin.

"B..bakit ba?" pagtaka ni Jae Joong.

"May monster sa kwarto namin Jae Joong ano ka ba?" sabi ni Hyo.

"Monster?" pagtaka ni Jae Joong. "Sinong halimaw?"

"Samahan mo kami dali! ikaw lang ang lalake, dali! marunong ka namang manuntok diba at mamalo?" tanong ni Jin. "Gamitin mo yang mga muscles mo sa braso para naman may silbi."

"Ano? ano ba kasi yun?" tanong ni Jae Joong.

"Lika na dali!" sabi ni Jin sabay hatak niya kay Jae Joong papunta sa may elevator.

Sumama nalang si Jae Joong sakanila. Kasi ang kulit nung dalawa. Kaya na-ki-join nalang siya. Curious din siya sa mga sinasabi nung dalawa kaya yung nasa elevator sila, nagtataka nalang si Jae Joong sakanila kasi takot na takot yung itsura nilang dalawa. Bumukas na yung elevator doon sa 13th floor..

"AHHHHHHH!" sigaw nanaman nilang dalawa.

"Bakit ba kayo sumisigaw? wag nga kayong maingay. Tara, labas na tayo." sabi ni Jae Joong.

"Ikaw muna ang mauna." sabi ni Hyo.

"Ha? sabay na tayong tatlo dali." sabi ni Jae Joong.

"Ikaw muna sabi eh. Dali, ikaw muna ang lumabas ng elevator na to!" sabi ni Jin sabay hatak niya kay Jae Joong palabas ng elevator.

Pinipindot ni Hyo yung open buttom sa elevator kasi nasa loob pa silang dalawa ni Jin at ayaw pa nilang lumabas. Si Jae Joong nasa labas na at tinitignan kung ano yon.

"Ano? merong halimaw?" tanong ni Jin. "May lumabas sa kwarto namin?"

"Magtabi lang tayo ng kwarto diba?" tanong ni Jae Joong.

"OO, nakabukas ba yung pintuan ng kwarto namin?" sagot at tanong ni Jin.

"Nakabukas? ah..hindi eh. Nakasara." sabi ni Jae Joong.

"AHHHHHH! nakasara!!!" sigaw ni Jin.

"Ano ka ba, ang ingay mo naman Jin, tumahimik ka nga." sabi ni Jae Joong. "Lumabas na kayo diyan sa elevator, baka may gagamit pang iba no, lumabas na nga kayo diyan."

"Sigurado kang walang halimaw?" tanong ni Hyo.

"OO, dali, lumabas na kayo diyan." sabi ni Jae Joong.

Unti-unti nga silang lumabas. Takot parin silang dalawa kaya pumunta sila sa likod ni Jae Joong. Napakapit pa nga si Jin sa t-shirt niya. Si Hyo naman, nakakapit sa t-shirt ni Jin sa pinaka likod.

"Dali! go! lakad ka na Jae Joong." sabi ni Jin.

Nag-umpisa na nga silang maglakad papunta sa may kwarto nila. Slowly silang naglalakad. Hawak parin ni Jae Joong yung bamboo stick, kaso hindi siya natatakot kaya yung bamboo stick na hawak niya, nakababa lang.

"Itaas mo nga yang bamboo stick na yan." sabi ni Jin.

"Bakit ko itataas? wala pa naman yung halimaw na sinasabi niyo." sabi ni Jae Joong sabay tawa.

Binatukan ni Jin si Jae Joong. "Itataas mo ba yan o ano? taas mo yan, in case na biglang lumabas." sabi ni Jin.

Naniwala naman si Jae Joong at tinaas niya yung bamboo stick na yon, ready na siyang mamalo in case may lumabas. Malapit na sila sa kwarto. Kaso, nakasarado. Finally, nandon na rin sila sa harapan ng pinto.

"Buksan mo." sabi ni Hyo. "Ikaw ang maunang magbukas."

"Kayo nalang kaya." sabi ni Jae Joong.

"Buksan mo, kungdi papaluin kita ng bamboo stick eh." sabi ni Jin.

"Ewan ko sainyong dalawa, mukha kayong tanga." sabi ni Jae Joong sabay tawa.

Papalapit na nga papalapit yung kamay ni Jae Joong sa may knob ng pinto. Kaya napasigaw nanaman yung dalawa.

"Ano ba kayo? wala pa nga eh. Pag sumigaw pa kayo, aalis na ko dito." sabi ni Jae Joong.

"Wag mo kaming iwan kungdi ikaw ang mamamatay." sabi ni Jin. "Dali, buksan mo na. Hindi na kami sisigaw promise."

Binuksan na nga ni Jae Joong yung pintuan, himala, hindi naka-lock kaya yung dalawa, napapikit nalang doon.

"Wala naman eh...Hoy!" sabi ni Jae Joong. "Dumilat ng kayong dalawa diyan, wala naman eh. Ano ba naman kayo? pinagloloko niyo ba ako?"

"Ha? wala?" pagtaka ni Jin.

"Anong wala?" pagtaka ni Hyo.

Sabay na nga silang pumasok doon, at wala nga, nakakalat parin yung gamit nila everywhere, nakita nila si Yeo-Sun na nakahiga na sa sofa. At tulog na doon. Mahimbing na ang pagkatulog niya sa sofa. Wala naman yung monster na sinasabi nila kay Jae Joong.

0 Comments






Kailangan ko pa ba ng mahabang "Thank You" speech? Wag na, baka maiyak pa ako dito. Gayon pa man, kahit magulo ang isip ko ngayon ng dahil sa nakapangingilabot na pangyayari, syempre kailangan ko paring magpasalamat sa lahat ng mga bumoto saakin at sa mga nag-gagandahan at nag-gwagwapuhang tagahatol ng 2008 Teen Blog Awards ng Candymag.com. Simple lang naman, kung wala kayo, wala din ako. Pasensyahan na kung nag-uumpisa na akong maging drama dito, kakagising ko lang kasi nitong umaga at papikit pikit ko pang nalaman na ako ang nakakuha ng titolo ng Funniest Blog 2008. Buti nalang gumana ang pag-batok saakin ng kapatid ko at nagising na ako sa katotohanan. Salamat ulit mula sa dulo ng aking puso at paa.

PS. Sa nakakuha ng laptop, pwedeng saakin nalang yun?

* EBIDENSYA, EBIDENSYA, EBIDENSYA!



Isinalang alang ang RESPETO sa loob at sa labas nitong pahinang ito. Lahat ng mga nakasulat dito ay galing lahat saaking opinion, karanasan at mga pagtingin.

Simpleng Patakaran: Bawal ang spamming, txt lingo, bashing at mga MANGONGOPYA. Ang patakaran ng aking C-box ay nakatala rin sa ibaba.

Binabalaan na kita ngayon pa lang. Kung isa kang HANGAL, hindi ka nababagay dito.



Siya ay pinanganak sa balat ng Pilipinas noong ika-labing siyam ng Nobyembre sa taong 1988. Binanyagan sakanyang unang pangalan na "Kathleen" Sa kanyang panghuling pangalan na "Pengson" At sa kanyang palayaw na Ket Ket. Hindi nalang niya alam kung bakit naging Ket Ket ang palayaw niya dahil napakalayo sa tinig ng unang pangalan. Kasalanan ito ng mga magulang niya dahil hanggang ngayon, walang nararapat na sagot sa mga tanong na ito.

Naging matiwasay naman ang kanyang pagpasok sa unang baitang sa eskwelahan ng Maranatha Christian School, Caloocan City. Hindi nalang natin alam kung nasaan na ang eskwelahan na yan. Kung buhay pa o hindi.

Naging malaki ang utang na loob niya sakanyang mga guro dahil dito siya natutong maging madasalin sa diyos, maging responsableng anak, maging masunurin, maging mabait, mag-walis sa sahig, mag-punas ng bintana, mag-bura ng chalk sa blackboard, gumawa ng gawaing pansanay ng iba, mag-kambyo ng tricycle, mag-suksok ng tissue sa ilong, at mang-sabunot sa kanyang kapwang uhugin na mga kaklase.

Habang patuloy ang kanyang pagkilala sa mundo, hindi natin maiiwasan na magkaron siya ng mga paborito mga bagay. Mapa-tao, kanta, hayop, libangan at kung ano ano pa. Noon pa man, noong batang paslit pa lamang siya, naging tigahanga siya ng kanta ni Donna Cruz na 'Kapag tumibok ang puso." Maniwala ka man o hindi, memoryado na memoryado niya ang dance steps nito. Ito ang kanyang naging theme song noong pinapag-aralan pa niyang kilalanin ang kanyang buong sarili.

Nalibang rin siya sa laro na Ghostbusters. Kasama ang kanyang mga kapatid at pinsan, ito ang naging palipas ng oras nila pag wala silang makutkot na pagkain sa loob ng kanilang refrigirator. Dahil Maria Biskwit, Milo, Ding Dong, Ovaltine, Choki-Choki, Jelly Ace, Chocknut o kung ano ano pang mga hindi malulusog na pagkain lang ang pinapakain sakanila ng mga magulang nila mula almusal hangga't mag-hapunan. Ng dahil dito, naging paborito rin niya ang mga nabanggit kong mga pagkain.

Nasubaybayan ko ang kanyang pag-laki. Hanggang makapunta siya sa ekwelahan ni Maria, o ang istablishimento ng St. Mary's College Quezon City. Dito siya nagpatuloy bilang mabait na estudyante. Mula Preparatory, Grade School hangga't High School, dito niya natamo ang iba't ibang mga impluwensya na naging tulong sa pag-abotkung anong klaseng tao na siya ngayon. Hanggang lumipat na siya sa ibang bansa, ito parin ay nanatili sakanyang puso't isipan.

Pinakilala sa kanya ng isang kaibigan ang kanyang naging paboritong boyband na itatago nalang natin sa pangalang NSYNC.Isama na rin natin ang kanyang naging idol na si Britney Spears, ang paglalaro ng kakiligan sa FLAMES, at kabaliwan sa PANTS, Ang mga kaartehan ng Fushigi Yuugi, sa Linkin' Park, at kung sino pang mga Americanong artist na ngayon ay gasgas na. At ang kanyang tinuring na kaibigan, kasama sa buhay at naging gabay sa buhay. Ang kanyang kasakasamang manikang oso'ng kulay puti na ngayong ay nasa San Miguel o kaya nawawala na. Si Push Pie.

Naging paborito niya ang Harry Potter at Lord of the Rings, kahit nag-fe-feeling na nabasa na niya lahat ng mga 'yon, pero hindi naman totoo dahil pinanood lang niya lahat ng mga series nito. Naging insiparation niya sina Daniel Radcliffe at Orlando Bloom sa dalawang pelikulang 'yan kaya niya sinubaybayan ng dahil lang sa mga ka-gwapuhan nila.

Na-impluwensyahan din siya ng kanyang panganay na kapatid na mahilig sa mga Anime. Feeling adik pero hindi naman talaga. Nakiki-jive sa mga Anime at pinipilit na magustuhan para mapabilang siya sa mga "nerd" section kahit hindi naman kailangan.

Musika. Isang malaking parte sa buhay niya. Nahilig pala siya sa mga banyagang tugtugin ng mga Koreano, Hapon at Instik, bukod sa ating OPM Music. Ang mga artist na katulad ni/nila:

Bamboo, Dong Bang Shin Ki, Big Bang, Se7en, L'Arc-en-Ciel, Mario, Radio Active Sago Project, BoA, Chris Brown, 6Cyclemind, Byul, Frankie J, Kang Ta & Vanness, Utada Hikaru, Southborder, G-Soul, Bi (Rain), Freesytle, Tamaki Nami, Hale, Amadori, FLOW, Rivermaya, TiA, Cueshe, Maaya Sakamoto, Toshiro Masuda, Parokya Ni Edgar, Fergie, Black Eyed Peas, MC Mong, Jang Nara, Eraserheads, 5566, MYMP, Fly to the Sky, Moon Hee Jun, Noel, Rythem, Orange Range, Kiss, Ayumi Hamasaki, Vanness, Clazziquai, Epik High, Tita Kitch!, Loveholic, Kyla, Nina, Christian Bautista, Super Junior, Koda Kumi, Ate Jolengs!, Jewelry, HowL & J, Jay-R, Orange & Lemons, Top Suzara, 1TYM, Shamrock, at Sugarfree.

Syempre, hindi rin niya papalampasin na manood ng mga Kdramas, Jdoramas, Tdramas, at kung ano ano pang may letra sa umpisa ng drama. Kahit anong drama pwede niyang mapanood basta wag lang yung nilalangaw na sa ka-boringan.

Nahilig din siyang mag-Photoshop at mag-edit ng kung ano anong pwedeng i-edit. Isa na sa mga libangan niya ay gumawa ng mga kung ano ano ka-weirduhan sa Photoshop, katulad nitong hibang na layout na ginawa niya. Ginagawa lang niya ito pag wala siyang magawa pag pumatak ang oras na napatunganga lang siya sa harapan ng pader.

Hindi niya maiiwasang magka-crush sa iba't ibang gwapong lalakeng Koreano, Hapon, at Chinito na hindi ko nalang babanggitin dahil baka maubos ang page sa sobrang haba ng listahan. Pero ang pagkakaalam ko, nangongolekta siya ng mga litrato ng mga Asian papa boys na hindi siya kilala sakanyang file folder. Nagagalit na nga ang tatay niya dahil napupuno na daw ang drive D. Lalong lalo na ngayon dahil tinadtad niya ng pictures ang folder niya ng mga NAKAHUBAD na Xiah Junsu at Anthony Padilla.

Ang natatangi at paboritong gawin niya at gumawa ng mga storya. Storya kung saan ang mga pangarap at ang kanyang imahinasyon ay umiikot. Ngunit kahit man manunulat siya, at pinipilit niyang ibahin, at mas lalong palaguin ang mga Nobela niya, inaamag at konti lamang ang mga pumapansin sa mga yon. Ito ang sanhi ng kanyang pagka- Desperadong Nobelista.

ANO HILO KA NA?



Blog layout testing


December 2007
January 2008


Ang mga gawa ng Desperadong Nobelista. Payo ko lang sainyo na basahin niyo ang kanyang pinakabagong storya na nagngangalang The Legend of the Blue Cookie kung saka-sakaling wala kayong magawa diyan sa kinauupuan ninyo.







Bago makipag-link ex saakin, siguraduhin mong ACTIVE ang blog mo at sasabihin mo agad saakin kung napalitan mo na yung title o yung link para mapalitan ko agad ang nakalista dito. Hindi po ako nag-li-link ng kung sino sinong tao lang at sinisiguro ko na kaibigan o kilala ko yung taong yon.

Awi - Xanga site
April - She, Her
Apple - Love the Apple
Apple - Sweet as Apple
Amaine - Her Cradle
Anj - Lost in my own reverie
Angielen - The Lost Pensieve
Angelique - Suicidekizz
Aya - Fly like you' never flown before
Biena - Lights Camera Action
Carlita - Fade Away
Charity - The Decent Obsessionist
Chad - Driving Shotgun, With Hair Undone.
Cheska - Ang Talakerang Teenager
Dan - Life Adventure of Dansoy
Dana - Deynahdana
Dakardict - Friendsterblog
Earvin - Carrot Prince
Neym - Princess in Hiding
Nia - Nia's metropolis
Maj - Just another summer day
Makis - Princess Ciella Haven
Martin - Martin's Memoirs
Meg - I struggle for survival
Mi-Ann - Unsaturated Curiosity
Mishi - I Decide
Milrose - My Mental Asylum
Ten - Hesitate
Tepai - Sweetened Choco
Tina - Tinanyanya
Ishy - Paru-parung bukid
Rain - Dreamer's Santuary
Jamie - Tsunamie's World
Jan-Jan - Ka' weirduhan ko
Jonah - Science Box of Nice Things
Joesyl - The Freedom Wall
Jet-Jet - Server Busy-Busyhan
Joella - Lack of Inspiration
Jimel - I <3 Kulay
Jhana - STFU, dude
Kaakaams -KAAKAAMS
Kimmie - And then it hit me
Korina - I'm marvelous
Lea - Beautiful memories
Leigh - Duh Princess Love
Lissie - Sindurella
Lissy - The other side of me
Lexi - Hello world, Goodbye world
Saishin- My Iskrats Peyper
Gellie - Nankurunaisa
Gazell - Disguise
Gracie - Reflections
Grace - The Best of me
Xyla - Nursecissism
YenChan - Lumiere
Zhel - The world according to me

Kung ang mensahe mo ay tungkol sa isang tala (entry) na sinulat ko, siguraduhin mong doon ka sumagot sa comment box katabi ng asul na lapis sa ibaba ng bawat posts. Ang gamit ng C-Box na ito ay para lamang sa mga nagmamadali, magpapa-link exchange o kaya't napaadaan lang para mag-iwan ng maikling pahatid sa Desperadong Nobelista. Sumunod sa patakaran, mga kaibigan.

Salamat sainyong cooperasyon.




Host: Blogspot
Font: Dafont
Brushes & Stuffs: Blue Vertigo
Images: Shabby , Pixelgirl
Image Hosting: Photobucket
Shoutbox: Cbox
Counter: Hit Counters
Creator: Adobe CS2 & Adobe Imageready Layout & Design: Reiko Sasaki





Ang Desperadong Nobelista (c) 5-11-08. Copyright in all works subject of this site belongs to Reiko Sasaki.

Site best viewed in IE or Mozilla Firefox in 1024x768 resolution. Layout Version #4.

hit counter
Online Readers